Monday, July 28, 2008

walang title..

hindi ko alam kung bakit ako gumagawa ng post ngayon.
marami pa kong dapat na tapusing trabaho.
pero, punyeta!
na-i-istres na yata ko!
baka form of relief ko na lang nga ito.
magtest sa smart.
tapusin ang reports.
i-check ang logs.
kunin ang hits.
mag-UAT.
at kung ano-ano pang gawain na sa tingin ko wala naman kinalaman sa tinapos kong kurso.
hayup!
malamang na hindi mo naiintindihan mga pinagsasasabi ko.
ako rin di ko maintindihan eh.
hindi ko rin alam kung ano uunahin ko.
kaya eto, pag-pe-prendster inuna ko.
hindi ko alam saan ako papunta.
ang hirap maghanap ng trabaho kaya kung sino unang tumanggap sakin, yun ang kinuha ko.
hindi naman sa nagsisisi ako sa naging desisyon ko.
pasalamat nga ako may pantustos na ko sa mga luho ko eh.
pero ang gulo talaga ng utak ko ngayon.
di ko alam kung ano dapat kong isipin.
sarili ko?
pamilya ko?
trabaho ko?
mga tao sa paligid ko?
o ang walang kwenta kong lablayp?

sarili ko? - - - -
- - - gusto ko mag-aral ulit eh. selosa ako. gusto ko ako nalang gastusan ng nanay ko.gusto ko ako lang binibigyan nya ng baon. kaya lang kung mag-aaral ako ulet, susuportahan kaya nya ko sa pang-tuition ko? o magtrabaho muna ko hangga't makaipon ako ng pera para mapag-aral ko sarili ko? pero nahihirapan akong mag-ipon. ang dami kong naiisip na gastos. hindi ko pa nakukuha sweldo ko pero may gusto na kong bilhin.
- - - gusto ko rin magtrabaho sa ibang bansa. mas malaki kita don. siguro sa canada kasi per hour ang rate nila. doon malamang makaipon ako. matutulungan ko pa ng bongga ang pamilya ko. kaya lang, parang masyado pa kong spoiled sa nanay ko. baka di ko kayanin mamuhay mag-isa. magluto ng pagkain ko. maglaba. gumising ng maaga. napakatamad ko para mag-isa. pero dapat kung gusto ko talaga magtrabaho doon, mag-ipon na ako ng pera. kaya lang hindi nga ako makaipon. ano bang pronlema ko??
- - - gusto kong tumaba. kahit anong kainin ko hindi lumalaki katawan ko. mag-steroids kaya ako? nyay! nakakatakot! baka magmuka akong payatot na kargador..yuck! nagba-vitamins na ako. puro kanin. tinapay. sweets. umiinon na rin ako ng softdrinks. at binabawasan ko na pag-inon ng iced tea. kasi pag puro iced tea iniinon ko, nagiging tambay ako sa cr. gusto kong tumaba para hindi na nila ko pinagkakamalang bata.

pamilya ko?? - - -
- - - syempre gusto ko naman maiahon pamilya ko sa kalagayan namin. di ako kuntento sa ganon lang. hindi naman kame mahirap. sapat lang. nakakakain tatlong beses sa isang araw. higit pa nga kung minsan. nabibili naman yung mga pangangailangan. pero di parin sapat. gusto ko magkaron kame ng tig-i-tig-isang kwarto. may maayos na sala. kusina. kubeta. at kumpleto ang parte ng bahay tulad ng napag-aralan ko nung elementary ako sa home economics namen. gusto ko every sunday maipasyal ko pamilya ko sa mall. mapa-spa ko sila. marami kong pangarap para sa kanila eh. sa sobrang dami, di ko alam uunahin kong tuparin. ni hindi ko nga rin maiyos buhay ko eh. mahal ko pamilya ko. di ko nga lang maipakita. mahal ko sila kaya ako nagkakaganito.

trabaho ko? - - -
- - - wala pa naman akong gaanong angal. bukod sa boss kong hindi ko maintindihan yung mga huling words nya sa bawat statement nya, wala pa naman akong angal. pero...bakit ba akong nandito? kala ko dati di nila ko tatanggapin kasi muka daw akong bata. halos lahat ng inapplyan ko yun ang sinasabi. eh ano magagawa ko? kaya nagulat nalang din ako nung tinext ako ng kaibigan ko. mag-i-start n daw ako. maskom ang tinapos kong course. pero bakit parang di ko napa-practice yung napag-aralan ko? sinasayang ko ba yung apat na taong pinaghirapan ng mga magulang ko para mapagtapos ako? sinasayang ko ba yung inutang ng nanay ko sa ibang tao para may maipangbayad ako sa tuition ko? eh yung mga hand-outs na pina-photo copy ko, sinayang ko lang din ba?

mga tao sa paligid ko? - - -
- - - hindi ko naman sila dapat problemahin di ba? kasi di naman nila ko pinoproblema eh. pero syempre, tao din naman ako. naaapektuhan ako sa mga ginagawa nila, sa mga reaksyon nila at pati sa pagmumuka nila. hindi naman ako henyo o perpekto para hindi magkamali, pero minsan nakakairita na makasalamuha ka ng mga taong wala sa bokabularyo ang salitang common sense. meron din namang wala sa bokabularyo ang salitang sensitive. walang pakialam kung nakakaistorbo na sila sa ibang tao. hmpf! basta. naaapektuhan nila ako.

ang walang kwenta kong lablayp? - - -
- - - kamusta naman?? ang sarap problemahin nito noh? ewan ko ba. hindi ko naman kamukha si bakekang. wala rin naman akong likod na katulad kay imang. o kaya malaking suot na salamin tulad ni betty. pero, buti nga sila may mga leading men. ewan ko talaga. sa madaling salita, hindi naman ako napakapanget. kung sa ugali naman, hindi naman ako kasing sama ni taning. si lopez? kilala mo ba yun? isda yun eh. gurami. di ko alam kung importante pa sya para sakin. pero, di ko naman masasabing di ko na sya iniisip. teka, di ko sya boypren ah. wish ko lang. walang anuman na namamagitan samin. kung meron man, ako lang siguro nakakaalam non. teka mali. ang ibig kong sabihin, kung meron man, wala nang hihigit pa sa pagiging magtext-mate. nakakaloka! ano bang meron sa text? dusko. mahigit isang taon na rin kaming nag-gagaguhan. pati ibang tao naguguluhan na kung anong meron saming dalawa. akala nyo lang meron, pero wala! wala! wala! pak! pero ngayon, wala nang lokohan o gaguhang nagaganap. di na kame nagtetext. di na kasi yata uso ang load eh. teka. masyado na yatang mahaba ang pagpoproblema ko sa walang kwenta kong lablayp. eto na lang. iniisip ko daw kasing hindi maging natural. ang labo mo!

haay.
ang dami ko na yatang nasabi. istres pa rin ako.
isa nalang siguro muna iisipin ko.
kung ano title nitong entry ko.....

1 comment:

gwen said...

hai tetet.. ambigat ng blog mu.. muntik na kong atakihin sa puso.. pero ok lang yan.. lahat tau dumadaan sa pagka-emo at pagdadrama.. ganun ata pag 21-23 years old na.. minsan sa buhay naten nagiging paranoid tau.. pero sakto lang lahat.. tulad ng sinabi ko kay inang mother.. easy..


isang matinding pause.. then play..Ü