Friday, August 15, 2008

favoritism?!

haynko.
bakit parang sa'yo na lang lagi nakatuon 'tong blog na 'to?
bakit ikaw na lang lagi ang subject?
friend, di mo naman nababasa..

oops..teka..malinaw sa akin ang lahat ah..

Thursday, August 7, 2008

salamat na rin..

Ok na naman ako..

Medyo nakakasawa na yung ganitong set-up. Magbabaliw-baliwan, depress-depressan at kung anu-ano pang kaartehan. Pero, what can i do?! Ganon talaga eh. Parte na talaga siguro ng buhay natin yung ganon.

Medyo magulo pa. Marami pa akong hindi maintindihan. Marami pa kong gustong itanong. Pero baka nakukulitan na yun at lalo lang ma-bwiset sakin. Siguro siya din naman, marami pang hindi naiintindihan kung bakit ko sinabi yung mga bagay na yun. Hindi na lang rin siguro pa siya nag-aksaya ng panahon para alamin pa yung mga yon.

Pero..nag-sorry ako. Kahit na alam kong hindi naman kasalanan yun. Iniisip ko lang yung pwede nyang maramdaman. I was just too careful not to offend him. Na di ko namalayan na yung feelings ko na pala yung nadidisregard ko. Nagsorry ako. Pero walang sagot. Di ako sumuko. Ang galing ko diba? (o baka makulit lang talaga..) Ayoko kasing mawala nalang lahat ng ganun-ganon lang. Kahit papano may pinagsamahan naman ata kami.

Weeks passed. Depress-depressan pa rin ang drama.

The spirit is still there. Gusto ko pa rin sya makausap. Nagpapahinga lang ako. Until one time, I got some strength....again. Nakausap ko siya pero saglit lang. Inintindi ko na lang ulit.

Kinabukasan.. I don't know the reason why i kept on apologizing. Wala na namang sagot. So, hindi na ko umasa pang tatanggapin nya ang 'sorry' ko. Ganon nga talaga siguro noh? Wag mag-expect. Kaya, nagulat ako nang sumagot siya.

Well, di ko na iisa-isahin pa pinag-usapan namin. Ang mahalaga, kahit papano eh naayos na. Mas ok na pakiramdam ko. Lalo ngayon na nakausap ko na siya at nalaman kong magkaibigan parin kami.

Pero pakiramdam ko, may mga tanong pang nangangailangan ng sagot. Hahayaan ko na lang muna 'yon sa ngayon.

Salamat kaibigan. Sana nababasa mo 'to.